Mga Diwata
Diwata ng Liwanag
Tatlong beses lamang maaaring gamitin ni Jazz ang kapangyarihan ng Diwata ng Liwanag. Sa tulong ng diwata ay maipaghihiwalay nito ang kadilimang bumabalot sa isang nilalang. Natagpuan ni Jazz ang Diwata ng Liwanag sa katauhan ng Batang si George.
Diwata ng Hangin
Ang Diwata ng Hangin ay may kakayahang kontrolin ang elemento ng Hangin at gamitin ito bilang panunahing sandata. Natagpuan ni Jazz ang Diwat ng Hangin sa katauhan ni Pinky.
Diwata ng Kagubatan
Ang Diwata ng kagubatan ang tanging Diwata na hindi sumanib sa katauhan ng isang nilalang bagkus siya ay nagsilbing ispiritu ng isnag kagubatan, ang Mystic Forest. Siya ay may kakayahang kontrolin ang anu mang elemento ng kagubatan.
Diwata ng Kadiliman
Ang Diwata ng Kadiliman ay hjindi likas na masama bagkus siya ay isa sa mga diwatang naglalayong makamit ang kapayaan laban sa mga kasamaan. Gaya ng Diwata ng Liwanag tatlong beses lamang ito maaaring gamitin ni Jazz. May kakayahan itong pansamantalang buhayin ang mga yumao. Siya ay natagpuan sa katauahan ni Vampa
Diwata ng Lupa
Ang Diwata ng Lupa ay may kakayahang kontrolin ang elemento ng lupa gaya ng bato buhangin ang iba pa upang gamitin ang mga ito bilang sandata. Siya ay n atagpuan sa katauhan ni Nancy.
Diwata ng Apoy
Ang Diwata ng Apoy ay may kakayahang kontrolin ang apoy at gamitin ito bilang sandata laban sa kaaway. Siya ay natagpuan sa katauhan ni Dragonaire.
Diwata ng Kidlat
Ang Diwata ng Kidlat ay ang tanging diwata na napamahal sa kanyang nasaniban. Hindi nito magawang iwanan ang katawan ni Roboter dahil siya lkamang ang tanging susi para mabuhay ito. Siya ay may kakayahan manipulahi ang panahon, kulog at kidlat.
0 COMMENTS:
Post a Comment