Mga Kalaban

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SsASPe4aCII/AAAAAAAADYk/I9PLPp-cyo0/s320/vial.JPG

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-QgTqFqI/AAAAAAAADWE/C-t076yuCS8/s320/IMG1485A.jpg

Si Captain Bruce ang pinakamortal na kaaway ni Jazz. Siya ay naghangad nga kapangyarihan at sinikap na kunin ang mahigang sisidlan. Dinakip nito si Princess Jane sa pansariling kapakanan. Siya ay ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang ama na si Captain Muros ang syang naging ugat ng kasamaang taglay ni Bruce. Nilason ng kanyang ama ang kanyang isipan at tuluyang binalot ang puso ng kadiliman.

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_RcJXaqI/AAAAAAAADXM/i_NIvKdHxu0/s320/IMG1494A.jpg

Si Funggus ay isa sa tatlong punong alagad ni Captain Bruce at siya ring unang humarap sa grupo nina Jazz. Ang kakayahan ni Funggus ay syang nagpapalutang sa barkong pandigma ni Captain Bruce. May kakayahan din syang gawing masama ang isang nilalang at gamitin ito bilang sandata gaya na lamang ng mga biktima nitong sina Doctor Park na ginawa niwang Doctor Devil at Nida na sya namang naging Needle Lady. Siya rin ay may kakayahang maglabas ng nakaklasong kemikal mula sa kanyang katawan.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_nS96jII/AAAAAAAADXs/88g2bCqahNM/s320/IMG1498A.jpg

Si Lily ay isa sa punong alagad ni Captain Bruce. Siya ay hindi sinanay sa pakikipaglaban bagkus sya ay nilikha upang protekahan ang kanyang kapitan. Si Lily ay dating kasintahan ni Captain Bruce na sinumpa ng kanyang amang si Captain Muros. Kalaunan ay naisipan ni Lily na harapin si Jazz sa tulong ng mga alagad nitong si Lumeria at Lady Puppeteer.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_RGvzYUI/AAAAAAAADXE/l-L6dZ-sm9c/s320/IMG1493A.jpg

Si Sindrox ay isa sa tatlong punong alagad ni Captain Bruce. Siya ang pinakahuling makaklaban ni Jazz. Siya ay walang puso at handang kumitil ng buhay.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_Q5csbhI/AAAAAAAADW8/EFD6e1C56mA/s320/IMG1492A.jpg

Si Doctor Devil ay isa sa mga alagad ni funggus na naghasik ng lagim sa payapang bayan ng Ryube village. Siya ay si Doctor Park na naging bikitma lamang ni Funggus. Isa syang matalinong doctor at ang katalinuhang ito ang nagudyok kay Funggus na gamitin siya bilang sandata na gagapi sa grupo nina Jazz.

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-P1yhS9I/AAAAAAAADV0/k7EpbQoaPYc/s320/IMG1483A.jpg

Si Needle Lady ay isa rin sa mga alagad ni Funggus na syang naghasik ng kasamaan sa Marigold Town. Siya ay si Nida na naging biktima lamang ng kasamaan ni Funggus. Matalik nyang kaibigan si Cathleen at sya ay sadyang may mabuting kalooban. Isa sya sa tinuturing na magaling na mananahi sa Marigold Town.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-PXkyg_I/AAAAAAAADVs/jZfk1UhaIWU/s320/IMG1482A.jpg

Si Lumeria ay isa sa alagad ni Lily. Siya ay may kakayahang magpakita ng mga ilusyon at mga bagay-bagay na sadyang kinatatakutan ng sinumang mabibiktima nito. Sa oras na nakatuntong ka sa kanyang teritoryo ay wala ka nang takas at ang tanging panlaban lamang ay ang madaig mo ang iyong takot. Siya rin ang nagbunyag ng isang mahalagang lihim sa buhay ni Captain Bruce na sya namang nagpalito sa isip ni Jazz.

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_ST2HVnI/AAAAAAAADXc/Iza7vOCA9zQ/s320/IMG1496A.jpg

Si Lady Puppeteer ay may kakayahan kontrolin ang sinumang nilalang na tila ba isang puppet. Siya ay isa sa alagad ni lily.

http://4.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_nNYhapI/AAAAAAAADXk/iYafz9-AsV8/s320/IMG1497A.jpg

Si Maggott ay isa sa mga alagad ni Sindrox. Siya ay matatagpuan sa Trash Island. Siya rin ang naging susi ng pagkakatuklas ng kinaroronan ngh labi ni Precious, ang bunsong kapatid ni Captain Bruce.

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz_R08dyuI/AAAAAAAADXU/3nhtauniH_w/s320/IMG1495A.jpg

Si Banshee ay isa sa mga alagad ni Sidrox na maghahasik ng lagim sa Tockus Island. Binihag nito si Trini na sya namang ililigtas ni Jazz. Siya ay may kakayahang maglabas ng iang nakalalasong kamadag na maaaring kumitil ng buhay sa isang iglap lamang.



0 COMMENTS:

About This Blog

  © Free Blogger Templates 'Photoblog II' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP