Mga Tauhan

http://1.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SsASOqHoHNI/AAAAAAAADYU/iSmLJbZzwe0/s320/casta.JPG

http://1.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQgA0t3-cI/AAAAAAAADS0/4r5y4cDvinU/s320/IMG1450A.jpg
Si Jazz ang mandirigmang itinakda upang iligtas ang kanilang mundo laban sa mga sakim na nilalang na naghahangad na makuha ang kapangyarihan ng mahiwagang sisidlan. Siya ay iibig Kay Princess Jane at pilit nitong babawiin ang prinsesa mula sa kamay ni Captain Bruce. Upang magawa ito, ay kailangan nyang makalaban ang pitong makakapangyarihang Diwata at gamitin ang mga ito upang wakasan ang kasamaan.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-xeriJVI/AAAAAAAADWk/ytowEbTAoJc/s320/IMG1489A.jpg

Si Princess Jane ang huli at tanging natitira sa angkan ng mga mortal na nakatakda upang pangalagaan ang mahiwagang sisidlan. Siya ay dinakip ni Captain Bruce sa di maipaliwanag na kadahilanan. Iibig sya sa magiting na mandirigma na si Jazz.

http://1.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQgBO42OjI/AAAAAAAADS8/ZhtQittulrg/s320/IMG1451A.jpg

Si Ric ang matalik na kaibigan ni Jazz. Siya ay isa sa mga nakatulong ni Jazz upang ibalik ang kapayapaan sa Ryube Village at magapi ang kalaban na si Doctor Devil. Siya rin ang tumulong kay Jazz na magapi si Needle lady and maibalik ang kapayapaan sa marigold Town. Siya ay may lihim na pagtingin kay Alessandra.

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-xG3IUOI/AAAAAAAADWc/MYNDWflP29w/s320/IMG1488A.jpg

Si Ninggis ay isa sa matalik na kaibigan ni Jazz. Isa sya sa nakasama ni Jazz sa pag-gapi sa kalabang si Doctor Devil ng Ryube Village at Needle Lady ng Marigold Town. Siya ay sinanay na maging isang Ninja at naglalayong matalo ang kasamaang dulot ni Captain Bruce.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQgBqDx2NI/AAAAAAAADTE/alHGTvH_QME/s320/IMG1453A.jpg

Si George ay isang batang naninirahan sa Ryube Village. Nakapagtaglay sya ng pambihirang kapangyarihan sa tulong ng Diwata ng Liwanag na sumanib sa kanya. Kakalabanin nito si Jazz ngunit kalaunan ay magiging kaagapay ito ng magiting na mandirigma na si Jazz.

http://1.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-yNASp7I/AAAAAAAADW0/EWW-aA75QEs/s320/IMG1491A.jpg

Si Alessandra ay isa sa mga kaibigan ni Jazz. Sa tulong nga kanyang mahiwagang plawta ay nagkakaroon sya ng kakayahang magpagaling. Malaki ang naitutulong ni Alessandra sa grupo lalo na sa laban nila kay Doctor Devil.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQiqeEuUuI/AAAAAAAADUc/zaxxZNMsANw/s320/IMG1466A.jpg

Si Elder ang nagsilbing tagapangalaga ni Princess Jane. Siya ang naglahad sa prinsesa ng buong kasaysayan ng kanilang bayan. Siya ay nagpatupad ng isang paligsahan upang madaliang matagpuan ang itinakdang mandirigma na nakasaad sa propesiya.

http://4.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-woY7LtI/AAAAAAAADWU/lqzC20Ldm_c/s320/IMG1487A.jpg

Si Pinky ay may kakayahang kontrolin ang hangin sa tulong na rin ng pagsanib sa kanya ng Diwata ng Hangin. Siya ang makakatulong ni Jazz Upang Tuluyang magapi ang isa sa mga punong alagad ni Captain Bruce na si Funggus. Kasama rin sya sa humarap sa mapanlinlang na si Lumeria at ang walang awang si Lady Puppeteer.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQkhoRV7ZI/AAAAAAAADVM/nzjpM4Qysns/s320/IMG1472A.jpg

Si Cathleen ay ang matalik na kaibigan ni Nida na ginamit ni Funggus bilang Needle Lady. Dahil sa poot na nararamdamn sa pagkawala ng kaibigan ang napagdesisyunan nito na sumama kina Jazz at tulungan itong magapi ang kasamaan. Siya ay maykakayahang makausap ang mga yumao at gamitin ang katawan at kapangyarihan nito sa pakikipaglaban.

http://1.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-x9krIgI/AAAAAAAADWs/vJjGqokAYE8/s320/IMG1490A.jpg

Si Vampa ay ang nagiisang anak ni Alucard, ang hari ng mga Dracula na minsan ng naging alagad ni Kapitan Muros na syang ama ni Captain Bruce. Siya ay inatasan na linlangin si Jazz at paslangin ito kapalit ng paglaya ng kanyang ama. Kalaunan ay napagtanto nito na mali ang kanyang gagawin kaya't naisian nyang sumapi sa grupo ni Jazz. Siya ay sinaniban ng Diwata ng Kadiliman na syang nakapagbigay sa kanya ng pambihirang kapangyarihan. Tinulungan din nya si Jazz na Matunton ang kinaruruonan ng labi ni Dorko, ang isa sa mga kapatid ni Capatain Bruce.

http://4.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-RBK5lII/AAAAAAAADWM/GCxf2goQ3tU/s320/IMG1486A.jpg

Si Nancy ay may kakayahang kontrolin ang lupa at gamitin ito bilang pangunahing sandata laban sa kaaway. Siya ay sinaniban ng Diwata ng Lupa na syang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan. Siya ay isa sa tutulong kay Jazz na magapi ang mga alagad ng isa sa punong alagad ni Captain bruce na si Sindrox. Kasama siya sa mga gumapi kay Maggott at Banshee. Nakasama din sya ni Jazz na tumungo sa isa sa mga floating islands kung saan nakaharap nilang muli si Funggus.

http://2.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/Srz-QEk39dI/AAAAAAAADV8/N6c5vSbNgz0/s320/IMG1484A.jpg

Si Dragonaire ay isa sa magiging kaibigan ni Jazz. Siya ay mula sa lahi ng mga dragon. Siya lamang ang tanging dragon na takot lumipad at walang kakayahan na bumuga ng Apoy. Sa tulong nga pagsanib sa kanya ng Diwata ng Apoy ay nabigyan ito na kakayahan at kapangyarihan subalit takot pa rin itong lumipad. Siya ay natagpuan nina Jazz sa Tribe Island at iniligtas ito laban sa malulupit na tao. Nakasama sya ni Jazz sa pagtungo sa mga floating island. Sa tulong ng Tockus powder ay pansamantalang nakalipad si Dragonaire ngunit kalaunan ay nagawa nitong lumipad sa kanyang sariling mga pakpak

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQgCGZIoiI/AAAAAAAADTM/svyO9mbsOpo/s320/IMG1455A.jpg

Si Roboter ay natagpuan ni na Jazz sa Trash island. Siya ay isang lumang robot na nabigyan ng buhay sa tulong ng Diwata ng Kidlat. Hindi magawang iwanan ng Diwata ang katawan ni Roboter dahil tanging ito lamang ang nagbibigay buhay dito. Si roboter ay makaksama ni Jazz sa floating island at muli nilang haharapin ang mga punong alagad ni Captain Bruce.

http://3.bp.blogspot.com/_oUd0eKSUIR8/SrQkg1mR1TI/AAAAAAAADU8/JaVJW9WgVuU/s320/IMG1470A.jpg

Si Trini ang kahuli hulihang diwata na nabubuhay, siya ang magbibigay kay Jazz ng magtuturo kay jazz ng kinaroroonan ng mga Tockus Powder protector upang magkaroon si Jazz at ang kanyang mga kasamahang ng kakayahang lumipad at marating ang mga floating islands tungo sa kinaroroonan ni Captain Bruce.

Kilalanin ang pitong makakapangyarihang Diwata

(click the image)

0 COMMENTS:

About This Blog

  © Free Blogger Templates 'Photoblog II' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP